Bob Ong Quotes tungkol sa PAG-AARAL
“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”
“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”
“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”
“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”